Thursday, October 16, 2008

In The Beginning

The Way of the Commuter. 


This is a journal of my experiences as a commuter. Riding a bus, the Metro, a jeepney, a tricycle or even a pedicab, I notice peculiar behavior from people from all walks of life. This is an attempt to document these observations and share my experiences to other souls who are threading the same Way. 


I'll start it off with a song from my compilation "Childhood Dreams". It was originally written in the vernacular but I would later try to attempt a translation and share this to other Wayfarers from around the world.



BINTANA

sa loob ng kwarto, nakatayo ako…
nakadungaw sa bintana, kunot ang noo….
nag-iisip…. nag-iisip… bakit kaya?
oras-oras, gano’n pa rin ang aking nakikita….

gusaling nagtataasan, ilaw na kay gandang tingnan…
mga kotseng pang-mayaman…
dyipning pang-mamamayan…..
nagtataka… nagtataka… ano kaya?
bakit nagkakawalay, bakit nagkakaiba?

dumungaw ka sa bintana, ganun pa rin ang makikita…
isang pagtataka ang sasalubong sa mata…
kailan magbabago, ang bayan nating ito?
ang Diyos, ikaw at ako…. ang kasagutan

barong-barong kay mang juan…
condo naman kay mr. john….
si kulas nasa kalsada, si chris ay nasa eskwela
nalilito… nalilito… sadya nga ba?
anong pagkakaiba’t naging ganito ang sistema?

dumungaw ka sa bintana, ganun pa rin ang makikita…
isang pagtataka ang sasalubong sa mata…
kailan magbabago, ang bayan nating ito?
ang Diyos, ikaw at ako…. ang kasagutan…

dumungaw ka sa bintana, kumilos na sa nakikita…
buksan mong mga mata mo…
upang makita’ng katotohanang ito….
pag-asa ng bayang ito… ang ating pagbabago
ang Diyos, ikaw at ako…. ang kasagutan



© 2008 by Peter Allan C. Mariano
from the compilation "Childhood Dreams"